^

PSN Palaro

UST rumesbak!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UST rumesbak!
Umatake si Eya Laure ng UST laban kay Jovelyn Fernandez ng FEU sa UAAP Season 84 women’s volleyball sa MOA Arena.
Chris Co

MANILA, Philippines — Nagbalik ang bagsik ng University of Santo Tomas matapos igupo ang Far Eastern University, 25-23, 23-25, 25-15, 25-12, upang buhayin ang tsansa nito sa twice-to-beat card sa Final Four ng  UAAP Season 84 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakalikom si team captain Eya Laure ng 19 puntos, 13 digs at 12 receptions para pamunuan ang Golden Tigresses na tumatag ang kapit sa No. 3 spot tangan ang 8-4 baraha.

Nakatuwang ni Laure sa opensa si Ypril Tapia na naglista ng 16 hits habang may 11 markers naman si Camille Victoria para sa España-based squad.

Nanatili sa No. 7 ang Lady Tamaraws na may 1-11 marka.

Nasayang ang pinag­samang 31 puntos nina Shiela Kisseo, Jovelyn Fernandez at Cheri Tagado para sa FEU.

Sa unang laro, naiselyo ng National University ang No. 1 seed sa Final Four matapos sakmalin ang University of the Philippines, 25-15, 25-10, 25-15.

Ayaw paawat ni outside hitter Mhicaela Belen na kumana ng 16 puntos kabilang ang record-matching na walong aces para banderahan ang Lady Bulldogs sa panalo.

Napantayan ni Belen ang UAAP record na walong aces ni Dzi Gervacio ng Ateneo de Manila University sa 25-14, 25-8, 25-16 panalo ng Lady Eagles sa Lady Maroons noong Pebrero 3, 2013.

Tumulong si middle blocker Sheena Toring na naglista ng 11 hits habang gumawa naman sina Ivy Lacsina at Alyssa Solomon ng tig-walong puntos para sa NU.

Ang panalo ang nagdala sa Lady Bulldogs sa 12-0 rekord kung saan kailangan na lamang ng tropa na makuha ang dalawang sunod na panalo para makumpleto ang sweep.

Nahulog ang UP sa 5-7.

vuukle comment

UAAP

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with