Walang forever!
Alyssa, Kiefer hiwalay na
MANILA, Philippines — Putok na sa social media ang pahihiwalay nina volleyball star Alyssa Valdez at NLEX ace Kiefer Ravena matapos ang ilang taong relasyon.
Bagama’t walang kumpirmasyon na inilalabas ang magkabilang panig, mas lalong nag-init ang lahat nang maglabas ng statement ang VMG Asia — ang talent management ni Valdez.
Ayon sa post, nanawagan ang management na iwasan ang anumang tsismis sa dahilan ng pahihiwalay nina Valdez at Ravena.
Nais ni Valdez na maging pribado ang usaping ito.
“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern but his decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private,” ayon sa statement.
Nagpasalamat din ang management sa lahat ng sumusuporta kay Valdez lalo pa’t dumaraaan ito sa pagsubok.
Hindi magpapaunlak si Valdez sa anumang interview o katanungan na may kinalaman sa personal na buhay nito.
Ngunit inaasahang maglalabas ng sariling statement si Valdez sa tamang panahon, ayon pa sa statement.
“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her, nakasaad sa statement.
Ni-retweet ni Valdez ang naturang statement na may kasamang mensahe na “please avoid making up stories and spreading false rumors. Thank you for all the love.”
Wala pang inilalabas na komento si Ravena tungkol sa isyu.
- Latest