^

PSN Palaro

La Salle, UP unahan sa ika-4 na panalo

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mag-uunahan sa pang-apat na panalo ang De La Salle University at University of the Philippines sa pagharap nila sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament ngayon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Parehong tangan ang 3-2 records, magsisimula ang bakbakan sa alas-10 ng umaga.

Ibabandera ng Lady Spikers si rookie Alleiah Malaluan na humarabas sa opensa nang kaldagin nila ang University of the East Lady Red Warriors, 25-15, 25-14, 25-15 noong Sabado.

Nagtala si Malaluan ng 14 points, nakatuwang niya sa opensa sina Fifi Sharma at Jolina Dela Cruz na may tig 10 points ang inambag.

Nais naman ng Lady Maroons na kalsuhan ang two-game skid nila kaya ipantatapat naman nila sina team captain Jewel Encarnacion at Alyssa Bertolano para masikwat ang kanilang panalo.

Tiyak na dodoblehin nina Encarnacion at Bertolano ang kanilang matikas na laro upang masilo ang inaasam na panalo.

Apat ang nagsisiksikan sa No. 2 spot sa magkakatulad na karta--ang UP at DLSU, University of Santo Tomas Golden Tigresses at A­damson University Lady Falcons.

Samantala, magpapaluan ng bola ang Ateneo at UE Lady Red Warriors sa alas-12 ng tanghali, maggigirian naman ang  UST at Adamson U sa alas-4 ng hapon habang sa alas-6 ng gabi ay bakbakan ang National University Lady Bulldogs at Far Eas­tern University Lady Tamaraws.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with