^

PSN Palaro

Rookie Draft top pick si Ganuelas-Rosser

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gaya ng inaasahan, itinanghal na top pick overall si Brandon Ganuelas-Rosser sa PBA Season 47 Annual Rookie Draft na ginanap sa Robinsons Place Manila sa Ermita.

Hinugot ng Blackwater si Ganuelas-Rosser para maging No. 1 pick sa taong ito habang nakuha naman si Jeremiah Gray bilang second pick ng Terrafirma.

Sariwa pa si Ganuelas-Rosser sa kampanya ng Gilas Pilipinas men’s 3x3 sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kung saan bahagi ito ng koponan na nakasungkit ng tansong medalya.

Sa kabilang banda, hindi pinakawalan ng Terrafirma si Gray na kasalukuyang nagpapagaling sa kanyang ACL injury.

Sa Enero pa inaasa-hang mabibigyan ng clea­rance na makalaro si Gray.

Nasungkit naman ng baguhang Converge si Jeo Ambohot bilang No. 3 pick habang kinuha din ng FiberExers si Justin Arana bilang No. 4 pick.

Ang Converge ang bumili sa prangkisa ng Alaska Aces na nagpasyang lisanin na ang liga matapos ang ilang dekadang pagsabak nito sa aksyon.

Napunta naman si Gian Mamuyac sa Rain or Shine bilang No. 5 pick.

Pasok naman sa first round picks sina No. 6 JM Calma (Northport), No. 7 Tyrus Hill (NLEX), No. 8 Javi Gomez de Liaño (Barangay Ginebra), No. 9 Kurt Lojera (Blackwater), No. 10 Shaun Ildefonso (Rain or Shine), at  No. 11 Mark Dyke (Blackwater).

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with