Lady Bulldogs tuloy sa pananalasa
MANILA, Philippines — Sinakmal ng National University Lady Bulldogs ang University of Santo Tomas Golden Tigresses, 25-21, 25-21, 21-25, 25-15 kahapon upang magpatuloy ang kanilang pamamayagpag sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament na nilalaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kinamada niMhicaela Belen ang 16 points, lahat ay galing sa attack kasama ang 11 excellent digs at 11 receptions upang akbayan ang Lady Bulddogs na ilista ang malinis na limang panalo.
Halos hindi pinawisan ang Lady Bulldogs sa fourth set, matapos makalamang ng pitong puntos, 16-9 sa second technical timeout ay binilisan nila ang laro upang makuha ang panalo.
Sa unang laro, ipinoste ng Adamson Lady Falcons ang three-game winning streak matapos nilang tukain ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-29, 9025, 25-18, 25-18.
Tumikada si Lucille May Almonte ng 17 puntos para tulungan ang LadyFalcons na ilista ang 3-2 record.
- Latest