^

PSN Palaro

Lady Bulldogs tangka ang ika-5 dikit sa Tigresses

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling ipaparada ng National University Lady Bulldogs si Sheena To­ring sa  pagharap nila sa maba­ngis na University of Santo Tomas Golden Tigresses sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament na ilalaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, ngayong araw.

Nakatakdang magkalmutan ang Tigresses at Lady Bulldogs sa alas-12 ng tanghali, pagkatapos ng bakbakan ng Far Eastern University Lady Tamaraws at Adamson Lady Falcons sa alas-10 ng umaga.

Tumikada si Toring ng 13 points, kasama ang walong kills, tatlong service aces at dalawang blocks nang laplapin nila ang 25-11, 25-20, 25-13 panalo kontra University of the East Lady Warriors noong Huwebes at ilista ang 4-0 karta.

Samantala, maghaharap ang UE at DLSU sa alas-4 ng hapon habang mamayang alas-6 ng gabi ang banatan sa pagitan ng University of the Philippines Fighting Maroons at defending champions Ateneo Blue Eagles.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with