^

PSN Palaro

Tigresses gustong makabangon agad

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang ibang nasa kukote ng University of Santo Tomas Golden Tigresses kundi ang makabangon agad mula sa pagka­kadapa.

Sumadsad ang Golden Tigresses sa University of the Philippines Fighting Maroons, 21-25, 25-23, 21-25, 22-25 noong Martes at namantsahan ang malinis nilang karta.

Kaya naman tiyak na itotodo ng Golden Tigresses ang kanilang lakas para gapiin ang De La Salle University Lady Spi­kers sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament, ngayong araw sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tangan ang 2-1 card, kakapitan ng España-based squad, UST si Eya Laure laban sa Lady Spi­kers ngayong ala-6 ng gabi.

Para sa Lady Spi­kers na may 2-1 karta rin, sina Alleiah Malaluan at Jolina Dela Cruz naman ang kanilang ipananargo upang masilo ang pangatlong panalo at manatiling mala­kas sa asam na titulo nga­yong season.

Samantala, magpapaluan para sa quadruple-header games ang University of the East Lady Warriors at National University Lady Bulldogs sa alas-10 ng umaga, magsasagupa naman ang Ateneo Blue Eagles at Far Eastern University Lady Tamaraws sa alas-12 ng tanghali habang sa pangatlong laro ay ang Adamson Lady Falcons at University of the Philippines Fighting Maroons naman ang magkalaban sa alas-4 ng hapon.

vuukle comment

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with