^

PSN Palaro

1-0 Lead pag-aagawan ng Blue Eagles at Maroons

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
1-0 Lead pag-aagawan ng Blue Eagles at Maroons
Angelo Kouame.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang reigning champion Ate­neo de Manila Universi­ty at University of the Philippines na makalapit sa ko­ro­­na sa paglarga ng Game One ng UAAP Season 84 men’s basketball best-of-three championship series ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maghaharap ang Blue Eagles at Fighting Maroons sa alas-4 ng ha­pon.

Magkaibang daan ang tinahak ng Ateneo at UP pa­­ra maiayos ang kanilang pagtutuos sa championship series.

Mabilis na dinispatsa ng Blue Eagles ang Far Eastern University Tamaraws, 85-72, sa kanilang Fi­nal Four match para ma­kuha ang unang tiket sa finals.

Sa kabilang banda, dumaan muna sa butas ng karayon ang UP bago patalsikin ang De La Salle University sa hiwalay na se­mis series.

Yumuko ang Fighting Maroons sa Green Archers sa kanilang unang paghaharap para wasakin ang ‘twice-to-beat’ edge nito.

Subalit nakuha ng UP ang 78-74 come-from-be­hind win sa La Salle sa ka­nilang do-or-die game pa­ra masikwat ang huling tiket sa finals.

Muling magtutuos ang Ateneo at UP sa finals sa panibagong “Battle of Ka­tipunan.”

Una nang nagharap ang dalawnag tropa no­ong 2018 kung saan na­kuha ng Blue Eagles ang 2-0 panalo sa best-of-three finals series para ma­sikwat ang korona.

Subalit ibang usapan na ang season na ito kung saan tanging ang UP lamang ang nakadungis sa malinis na rekord ng Ate­neo.

Pero para kay Ateneo head coach Tab Baldwin, hindi ito lubos na nakaapekto sa kanyang bataan.

“We all lost that streak. For me, no it didn’t impact anything. A loss is a loss. I got plenty in my career. It was just unfortunate that we battled back and we didn’t get the win. For us, the next game is the only thing that matters,” ani Baldwin.

Handa rin ang Fighting Maroons na ibuhos ang la­hat ng itinatago nilang la­kas para matamis na kunin ang kampeonato.

“We’re going to study Ate­neo and be ready for them in the Finals,” wik ni Fighting Maroons head coach Goldwin Montever­de sa kanilang game plan.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with