^

PSN Palaro

Diaz, Obiena babanderahan ang Team Philippines sa SEAG

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido sina weightlifter Hidilyn Diaz at pole vaulter EJ Obiena na makasikwat ng gintong medalya upang pamunuan ang kampanya ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.

Maliban sa SEA Ga­mes, target din ni Diaz na makapag-kwalipika sa 2024 Paris Olympics upang madepensahan ang kanyang korona na nakamit noong Tokyo Olympics sa Japan.

“I still want to finish my studies. I still want to play, represent the Philippines in the SEA Games and hopefully represent the country in the Paris 2024 Olympics with EJ,” ani Diaz.

Matatandaang nagreyna si Diaz sa women’s 55-kilogram ng Tokyo Games para ibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya nito sa Olympics.

“Marami nagsasabi na nakakuha na ng ginto, okay na yun. Pero bilang atleta, hindi naman doon natatapos yun. Gusto kong ma­ging inspirasyon sa iba pang atleta at mga kabataan,” ani Diaz.

Sa kabilang banda, nakasentro rin ang atensiyon kay Obiena na inaasa­hang wawasakin ang kanniyang sariling rekord sa SEA Games.

Kasalukuyang hawak ni Obiena ang SEA Games record na 5.45 metro distansya na nakamit nito noong 2019 SEA Games.

Maliban sa SEA Ga­mes, si Obiena rin ang nagmamay-ari ng Asian record na 5.93 metro. Siya rin ang tatayong flagbearer sa Vietnam SEAG.

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with