^

PSN Palaro

Jimuel susuntok sa May 12

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido si Jimuel Pacquiao na sundan ang yapak ng kanyang amang si eight-division world champion Manny Pacquiao.

Nakatakdang muling sumalang sa ibabaw ng ring si Jimuel sa Mayo 12 sa Montebello Country Club sa California.

Subalit wala pang opis­yal na pangalan kung sino ang makakaharap ni J­imuel sa kanyang laban.

Kasalukuyang nasa matinding paghahanda si Jimuel sa Wild Card Gym sa Hollywood, California kasama si Hall of Famer Freddie Roach.

Nais ni Roach na hasain si Jimuel upang ma­ging isang mabagsik na boksingero gaya ng ginawa nito kay Manny.

Kaya naman tutok na tutok si Jimuel sa tuwing sumasalang ito sa matinding ensayo kasama si Roach.

Ilang video na ang lumutang kung saan kita na ang talim sa mga suntok ni Jimuel na inaasahang magiging armas nito sa kanyang susunod na laban.

Sariwa pa si Jimuel sa matamis na panalo laban kay Mexican-American Andres Rosales noong Marso sa labang ginanap sa House of Boxing Gym sa San Diego, California.

Umaasa ito na masusundan ito ng batang Pacquiao.

vuukle comment

JIMUEL PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with