^

PSN Palaro

Kampay!

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Kampay!
Nag-pose ang buong team ng Barangay Ginebra makaraang tanghaling kampeon sa PBA Governors’ Cup.
Jun Mendoza

Ginebra PBA Governors’ Cup champion

MANILA, Philippines — Tinagay ng Barangay Ginebra ang 103-92 pa­nalo sa Game 6 kontra sa karibal na Meralco upang tagumpay na madepensahan ang kanilang korona sa 2021-2022 PBA Governors’ Cup kagabi sa harap ng 20,224 katao sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Trumangko sa Gin Kings si LA Tenorio na may 30 puntos, apat na rebounds at apat na assists kasama si Best Import of the Conference Justin Brownlee na tumabo ng 24 markers at 16 rebounds.

Solido rin ang tulong ni Best Player of the Confe­rence Scottie Thompson sa all-around 15 puntos, tatlong rebounds, tatlong assists at tatlong steals na performance habang may pambihirang double-double na 19 markers at 13 boards si Christian Standhardinger.

Tinanghal ding Finals Most Valuable Player si Thompson para ipares sa kanyang BPC plum at kampeonato.

Ito na ang ikaapat na Govs’ Cup title ng Ginebra sa nakalipas na limang edisyon tungo sa kanilang 14th overall title.

Kontra sa karibal na Meralco, ito na rin ang kanilang ikaapat na sunod na finals series win matapos manalo noong 2016, 2017 at 2019.

Subalit higit doon, nakumpleto ng Gin Kings sa kampo ng SMC ang sweep kontra sa MVP Group matapos sibakin ang TNT at NLEX sa quarterfinals at semifinals, ayon sa pagkakasunod.

Matamis na higanti ito matapos mawalis ng TNT ang SMC group noong 2021 Philippine Cup kontra sa Ginebra sa quarters, SMB sa semis at Magnolia sa finals.

Dikit lang sa 47-all ang laban ng Game 6 para sa potensyal na Game 7 sa Philippine Arena sana subalit kumawala ang Gin Kings sa fourth quarter, 93-80, sa likod nina Tenorio, Thompson, Brownlee at Standhardinger.

Dahil dito ay nasikwat din ni head coach Tim Cone ang kanyang ika-24 na titulo na siyang pinakamarami sa PBA tampok ang anim sa Ginebra habang nasungkit ni Brownlee ang kanyang ikalimang championship bilang resident import ng Gin Kings.

vuukle comment

GINEBRA

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with