Prrrrt! foul!
Napailing si Meralco coach Norman Black nung Game 2 kung saan tumabla ang Ginebra sa best-of-seven series nung Biyernes sa PBA Governors’ Cup.
Pero nilagay ni coach Norman sa tamang lugar ang kanyang hinaing.
Hihingi raw siya ng review ng game sa commissioner’s office. Mukhang hindi naman formal protest ang isasampa niya. May gusto lang siyang ipasilip.
Meaning, final na ang resulta ng Game 2 at tabla ang serye, 1-1.
Ang gusto lang siguro ni coach ay wag na maulit ang inconsistent calls especially sa crucial moments ng game.
Tatlong plays ang pwedeng tinutukoy ng batikang coach.
Isa na ang layup ni Meralco import Tony Bishop with 6:38 remaining. Bagama’t na-shoot niya at tinapyas ang lamang ng Ginebra to 88-86, tila may contact si Christian Standhardinger at Justin Brownlee sa nasabing play.
No calls. Sumunod naman ang three-point plays ni Standhardinger at Brownlee para gawing 94-86 ang Ginebra lead.
Maninipis ang tawag.
‘Yung kay Standhardinger, dumikit lang ang balakang ni Raymond Almazan. Hindi naman solid na banggaan. At yung kay Brownlee, nakanti lang ng balikat ni Bishop. Pero continuation play. Easy lay-up at three-point play kay Brownlee.
Hindi nagbuhos ng sama ng loob si coach Norman sa media. Ang sabi lang niya, lalapit sila sa commissioner’s office para sa review.
Para nga naman sa Game 3 mamaya ay walang inconsistencies.
Deserving manalo ang Ginebra nung Game 2. Lumamang pa ng 18 sa halftime.
Hindi po galit si coach Norman.
Nagpapaliwanag lang.
- Latest