PSC may nakuhang leksyon sa mediation kina Obiena at Juico
MANILA, Philippines — Isang leksyon ang matagumpay na mediation ng Philippine Sports Commission (PSC) kina pole vaulter Ernest John Obiena at athletics’ chief Philip Ella Juico.
Ito ang sinabi kahapon ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na siyang nagplantsa para sa pagkakasundo nina Obiena at Juico.
“It is a learning experience for all,” ani Ramirez. “For us in the PSC, this experience is historical because it is our first-ever foray into sports mediation, and it showed us areas where we can craft policies for improvement.”
Hiniling ni Ramirez na igalang nina Obiena at Juico ang kanilang mga napagkasunduan at napag-usapan para hindi na maulit ang iringan nila sa hinaharap.
Maaari nang maglaro ang World No. 5 pole vaulter sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at sa iba pang international tournaments.
Samantala, binawi ng P hilippine Olympic Committee (POC) ang naunang ipinataw na 90-day suspension sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at ang pagturing kay Juico na isang persona non-grata.
“The lifting of the resolutions hinged on the successful mediation between pole vaulter EJ Obiena and the PATAFA,” ani POC head Abraham Tolentino.
- Latest