^

PSN Palaro

Letran, Beda wagi sa mga karibal

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Letran, Beda wagi sa mga karibal

MANILA, Philippines —  Dumiretso ang nagde­de­pensang Letran Knights sa kanilang ikalawang sunod na ratsada matapos pa­luhurin ang Arellano Chiefs, 96-57, kahapon sa 97th NCAA men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills Gym.

Humakot si Jeo Ambo­hot ng 20 points at 8 rebounds para sa 2-0 record ng Knights at nagdagdag si Louie Sangalang ng 10 markers at 10 rebounds.

May 15 points naman si Tom­my Olivario kasunod ang 11 markers ni forward Renz Abando.

Ito ang unang ka­­biguan ng Chiefs matapos ang na­unang 65-63 pag­daig sa San Sebastian Stags sa likod ng pagbibida ni Justin Arana no­ong Linggo.

Ngunit hindi naglaro si Arana laban sa Letran.

“We have to take advantage,” sabi ni Knights’ head coach Bonnie Tan sa may injury na si Arana. “People are looking at us. How we can respond as pagkawala ni Arana na pinaka-top center ng NCAA. Hindi lang isang panalo lang kundi convincing win sana.”

Kinuha ng Letran ang 66-51 abante sa third period na hindi na napababa ng Arellano.

Sa ikalawang laro, pinu­lutan naman ng San Beda Red Lions ang Emili Aguinaldo College Generals, 85-81, para sa kanilang 2-0 marka.

Apat na Red Lions ang nagtala ng double-digits para talunin ang Generals.

vuukle comment

LETRAN KNIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with