Pinoy jins hahataw sa Vietnam
MANILA, Philippines — Nakatakdang umalis ngayong araw ang Smart/MVP Sports Foundation taekwondo squad upang magpartisipa sa 2022 ATF (Asean Taekwondo Federation) Taekwondo Championships na hahataw mula Marso 30 hanggang Abril 4 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Binubuo ang koponan ng 10 atleta sa kyorugi (free sparring) at lima sa poomsae.
Magsisilbing delegation head si Raul Samson kasama ang tatlo pang coaches na hahawak sa koponan.
Ipaparada ng Pilipinas sa naturang torneo sina Loralee Natividad, Abigail Faye Valdez, Realis Tabiando, Clarence Sarza, Rhezie Aragon, Ceanne Kyle Rosquillo, Marvin Mori, Kier Macalino, King Nash Alcairo, Rommel Pablo Jr., Justin Mark Agno, Paul Romero, June Ninobla, Devy John Singson, Joseph Chua at Alfritz Arevalo.
Sina Paul Romero at Devy Singson ang tatayong coaches sa kyorugi habang si June Ninobla naman ang hahawak sa poomsae team.
Malakas ang tsansa ng Pinoy squad na makasungkit ng medalya sa torneo lalo pa’t gigil ang tropa na muling sumabak matapos mabigong makapagpartisipa sa torneo dahil sa pandemya.
Sa Pilipinas ginanap ang huling edisyon ng ATF Taekwondo Championships noong 2019.
- Latest