^

PSN Palaro

Title defense ni Magsayo tuloy sa Hulyo 9

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala nang atrasan ang title defense ni World Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark Magsayo laban kay Mexican Rey Vargas sa Hulyo 9 sa San Antonio, Texas.

Pormal nang inihayag ng Showtime Sports at Premier Boxing Champions ang naturang petsa para sa unang pagdepensa ni Magsayo sa titulo nito.

Ngayong may petsa na ang laban, inaasa­hang agad na sisimulan ni Magsayo ang pagpapa­kundisyon nito sa Amerika sa oras na matapos ang lahat ng aktibidad nito sa Pilipinas.

Bumalik sa Pilipinas si Magsayo para ipagdiwang ang kanyang panalo kasama ang kanyang pamilya.

Nagkaroon din ito ng courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan para ibahagi ang kanyang tagumpay.

Muling sasalang sa pukpukang ensayo si Magsayo kasama si Hall of Famer Freddie Roach para masundan ang matamis na panalo nito noong Enero.

Matatandaang naagaw ni Magsayo ang WBC belt kay Gary Russell nang kubrahin ang majority decision win.

Sa kabilang banda, hindi basta-basta kalaban si Vargas na dating WBC bantamweight champion bago lumipat sa featherweight division.

Unang lumaban sa featherweight class si Vargas noong Nobyembre kung saan tinalo nito si Leonardo Baez via unanimous decision sa Las Vegas, Nevada.

vuukle comment

MARK MAGSAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with