^

PSN Palaro

Dwight, Thirdy balik Japan agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Dwight, Thirdy balik Japan agad
Dwight Ramos.
B. League

MANILA, Philippines — Balik Japan agad sina Dwight Ramos ng Toyama at Thirdy Ravena ng San-En NeoPhoenix para makasama ang kani-kanyang koponan sa kampanya nito sa Japan B.League.

Sariwa pa sina Ramos at Ravena sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup Qualifiers na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Masaya sina Ramos at Ravena na pinahintulutan ang mga ito ng kanilang mother teams.

Ngunit kailangang bumalik agad ng Japan ang dalawa para ipagpatuloy ang paglalaro nito sa B.League.

Malaki ang naitulong ng qualifiers para kay Ramos dahil muling nabuhay ang kumpiyansa nito sa paglalaro.

At umaasa si Ramos na madadala nito ang magandang momento sa oras na muli itong makabalik sa Toyama.

Impresibo ang performance ni Ramos sa FIBA World Cup Qualifiers.

Nagtala ito ng averages na 17.5 points, 7.0 rebounds, 2.5 assists, 2.0 steals at 1.5 blocks  sa isa dalawang laro ng Gilas Pilipinas.

vuukle comment

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with