Thirdy nagpasalamat sa pagpayag ng San-En
MANILA, Philippines — Malaki ang pasasalamat ni Gilas Pilipinas standout Thirdy Ravena sa pamunuan ng San-en NeoPhoenix sa pagpayag nitong makapaglaro sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.
Nakabalik ng Pilipinas si Ravena sa kabila ng ongoing na season ng Japan B.League.
Kaya naman hindi maitago ni Ravena ang saya dahil muli itong makapagsusuot ng Gilas Pilipinas jersey.
“I’m very happy because NeoPhoenix is very supportive of my decision and they actually wanted me to go. So, I’m really thankful to them for supporting me,” ani Ravena sa programang Power and Play.
May averages na 12.2 points, 4.4 rebounds at 2.5 assists si Ravena sa season na ito kasama ang NeoPhoenix.
Kasalukuyang may 4-27 rekord ang San-En na nasa ilalim ng standings.
Umaasa si Ravena na mabilis itong makakasabay sa sistema ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes at makabuo agad ng chemistry kasama ang team.
- Latest