^

PSN Palaro

Clarkson ipu-push ni MVP bilang Gilas local player

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Clarkson ipu-push ni MVP bilang Gilas local player
Jordan Clarkson.
STAR/File

MANILA, Philippines — Desidido si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan na isulong na makapaglaro si NBA star Jordan Clarkson bilang local player ng Gilas Pilipinas.

Handa si Pangilinan na gawin ang lahat upang maisakatuparan ang plano nito para kay Clarkson.

Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, plano ni Pangilinan na pumunta mismo sa Geneva, Switzerland para makausap ang mga FIBA officials patungkol sa isyu ng Utah Jazz player.

“Not only are we making moves, but we’re also making very serious moves. Chairman MVP is planning a trip to Geneva in March or April to personally lobby to allow Jordan to play as a local,” ani Reyes sa programang Power and Play.

May dual citizenship ang Filipino-American na si Clarkson ngunit hanggang sa kasalukuyan, itinuturing na naturalized player si Clarkson dahil sa usapin sa passport. Sa patakaran ng FIBA, kailangang magkaroon ng passport ang isang player bago ito tumuntong ng 16-anyos upang maging regular player ng bansang kanyang nais katawanin.

Matatandaang noong 2015 FIBA Asia Championship, inilatag ng SBP ang Philippine passport ni Clarkson na nakuha nito bago ito mag-16. Ngunit hindi ito kinatigan ng FIBA. Sa halip, makalalaro lamang si Clarkson sa Gilas Pilipinas bilang isang naturalized player.

Ayon sa ilang sources, nagduda umano ang FIBA sa Philippine passport ni Clarkson dahil wala itong stamp na tanda na hindi ito nagamit.

Paliwanag naman ng isang source na posibleng ang American passport nito ang madalas na ginamit ni Clarkson noong kanyang teenager days.

Una nang nasilayang naka-Gilas jersey si Clarkson noong 2018 Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia. Nakapaglaro si Clarkson bilang regular player dahil tanging Philippine passport lamang ang requirement ng Olympic Council of Asia para pahintulutan itong makalaro.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with