PLDT nagdagdag pa ng 2 players

Heather Guinoo at Jules Samonte
Heather Guinoo FB

MANILA, Philippines — Dalawang players ng Perlas Spikers ang nagtawid-bakod sa kampo ng PLDT Home Fibr para sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Nagpasya sina Heather Guinoo at Jules Samonte na lumipat sa High Speed Hitters matapos magdesis­yon ang Perlas Spikers na magsumite ng leave of absence sa liga.

Excited na sina Guinoo at Samonte sa bagong pamilyang sasamahan nito sa High Speed Hitters.

“I’m really grateful kasi biglaan lang din na-disband yung Perlas. Akala ko, I was going to be with them for another year pa. It was unfortunate na na-disband yung Perlas but just grateful to have found a home in PLDT,” ani Samonte.

Bagong environment ito para kay Samonte na kadalasang mga Ateneo Lady Eagles ang mga kasama sa kanyang mga dating teams.

“It’s kind of exciting and nerve-wracking because lalabas na naman ako sa comfort zone ko and this time, wala na talaga akong ate na nakasama ko before,” dagdag ni Samonte.

Makakasama nina Guinoo at Samonte sa kampanya sina Rhea Dimaculangan, Chin Basas, Eli Soyud at Nieza Viray na mga tanging holdovers ng High Speed Hitters

Pasok din ang bagong recruits na sina Kath Arado, Jessey De Leon, Mean Mendrez, Dell Palomata, Jovie Prado, Wendy Semana, Fiola Ceballos at Lhara Clavano.

Mamanduhan ang tropa ni head coach George Pascua.

Show comments