Spurs hiniya ng Suns

Tinirahan ni Suns guard Devin Booker si Spurs forward Doug McDermot
STAR/ File

SAN ANTONIO, Philippines — Nagpaputok si Devin Booker ng season-high 48 points at nagdomina ang Phoenix Suns sa fourth quarter para patumbahin ang Spurs, 121-107.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Suns (34-9) para patuloy na pamunuan ang NBA at ang Western Conference at talunin ang Spurs (16-28) sa pang-limang sunod nilang banggaan.

Nagdagdag si Chris Paul ng 15 points at 12 assists para sa Phoenix na naglaro na wala si injured starter Deandre Ayton, ngunit nakahugot kay reserve center Bismack Biyombo ng 17 points at 14 rebounds.

Sa Memphis, umiskor sina Ja Morant at Desmond Bane ng tig-25 points para igiya ang Grizzlies (31-15) sa 119-106 pagdakma sa East-leading Chicago Bulls (27-15).

Ito ang ika-12 panalo ng Memphis sa kanilang huling 13 laban.

Sa Miami, tumipa si Tyler Herro ng 23  sa 104-99 pagtakas ng Heat (28-16) sa Toronto Raptors (21-20).

Sa iba pang laro, tinalo ng Boston Celtics ang New Orleans Pelicans, 104-92; umeskapo ang Los Angeles Lakers sa Utah Jazz, 101-95; binigo ng Washington Wizards ang Philadelphia 76ers, 117-98; dinaig ng Cleveland Cavaliers ang Brooklyn Nets, 114-107; wagi ang Los Angeles Clippers sa Indiana Pacers, 139-133; at lusot ang Atlanta Hawks sa Milwaukee Bucks, 121-114.

Show comments