Polisiya ng PBA sa free agency itutuloy pa rin

PBA Commissioner Willie Marcial.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walang masamang epekto sa Philippine Basketball Association (PBA) ang pagpapatupad sa unrestricted free agency na sinasabing pabor sa mga players.

Ang Rookie Class ng 2014 ang unang makakasubok sa free agency market base sa seven-year rule na napagkasunduan ng mga team owners sa panahon ni PBA Commissioner Chito Salud.

“Tingnan muna natin kung makakaapekto nang malaki, makakaapekto sa liga i-revisit natin,” wika kahapon ni PBA Commissioner Willie Marcial. “As of now okay naman, wala namang problema.”

Sina guard John Pinto at forward Rodney Brondial ang unang gumamit ng free agency rights nang pu­mirma ng kontrata sa Barangay Ginebra at San Miguel, ayon sa pagkakasunod.

Ito ay sa kabila ng ba­gong alok na kontrata ng kanilang mga mo­ther teams na Meralco at Alaska.

“Ang disadvantage lang ng players kung walang kumuha sa iyo, babalik ka doon (original team), eh kung hindi ka na kunin? So sugal iyon,” ani Marcial. 

Show comments