High Speed Hitters nagpalakas pa!

MANILA, Philippines — Hindi maawat sa pagpapalakas ang PLDT Home Fibr na desididong makapagbigay ng magandang laban sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) season.

Kinuha ng High Speed Hitters sina middle blocker Dell Palomata at outside hitter Jovielyn Prado upang makatulong sa kampanya nito sa PVL Open Confe­rence na target masimulan sa Pebrero 16.

Dating miyembro sina Palomata at Prado ng Sta. Lucia Lady Realtors na kamakailan lamang ay nagpasyang magsumite ng leave of absence sa liga.

Kaya naman dadalhin nina Palomata at Prado ang talento nito sa High Speed Hitters na kasalukuyang nasa rebuilding process mula sa coaching staff hanggang sa lineup nito.

Hahawakan ang High Speed Hitters ni head coach George Pascua na isa sa mga naging coaches ni Palomata sa Choco Mucho sa 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship.

“Sumali ako sa PLDT dahil sa coaches. Naging coach ko si Coach George sa national team tapos si Coach Raffy Mosuela kasama ko na sa Air Force kaya mas pinili ko yung PLDT. Malaking bagay yun para mas ma-enhance pa yung talent,” ani Palomata.

Makakasama nina Pa­lomata at Prado ang kapwa baguhang sina Kath Arado, Jessey De Leon at Mean Mendrez gayundin sina holdovers Rhea Dimacula­ngan, Chin Basas, Eli Soyud at Nieza Viray.  

Show comments