^

PSN Palaro

Pinoy athletes na nagningning sa 2021

Pilipino Star Ngayon
Pinoy athletes na nagningning sa 2021
Hidilyn Diaz.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pandemya, nagningning ang Pilipinas sa international scene matapos ang kaliwa’t kanang panalo ng mga atletang Pilipino.

Kaya naman tinipon ng PSNgayon ang limang natatanging tagumpay ng mga Pinoy athletes sa international tournaments.

Bumabandera sa listahan ang kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics.

Tinuldukan ni Hidilyn Diaz ang ilang dekadang paghihintay ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang record breaking performance sa women’s 55-kilogram.

Nagtala si Diaz ang impresibong 224 kilograms (127 kgs. sa clean and jerk at 97 kgs. sa snatch) upang maungusan si world record holder Liao Qiuyun ng China na nagkasya lamang sa pilak na medalya.

Maliban kay Diaz, nakahirit din ng medalya sina boxers Nesthy Petecio (silver), Carlo Paalam (silver) at Eumir Felix Marcial (bronze) para mas lalo pang paningningin ang matikas na kampanya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Naging sentro rin ng atensiyon si Filipino-Ja-panese Yuka Saso na kampeon sa prestihiyosong US Women’s Open.

Si Saso ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng major gold title.

At sa edad na 19-an-yos, si Saso ang pinakabatang nagkampeon sa US Open para pantayan ang rekord ni Park Im Bee ng South Korea.

Namayagpag din ang Pinoy boxers sa iba’t ibang laban sa pangunguna ni reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

Nagtala si Donaire ng dalawang panalo sa taong ito para matagumpay na madepensahan ang kanyang titulo.

Naitarak ni Donaire ang impresibong fourth-round knockout win kay Nordine Oubaali noong Mayo 29 sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California para maagaw ang WBC belt ng French boxer.

Muling sumabak si Donaire noong Disyembre 11 kung saan nadepensahan nito ang titulo laban sa kababayang si Reymart Gaballo via fourth-round knockout win sa labang ginanap sa parehong venue.

Maliban kay Donaire, tatlo pang Pilipino ang nasa listahan ng mga world champions.

Ito ay sina Jerwin Ancajas (International Boxing Federation junior bantamweight champion), John Riel Casimero (World Boxing Organization bantamweight) at Rene Mark Cuarto (IBF world minimumweight).

Sa kabila ng kabiguang makahirit ng medalya sa Tokyo Olympics, rumesbak si Carlos Yulo sa FIG World Championships sa Japan kung saan humakot ito ng isang ginto at isang pilak.

Hindi nadepensahan ni Yulo ang kanyang world title sa floor exercise ngunit bumawi ito nang masikwat nito ang ginto sa vault at pilak sa parallel bars.

Maganda rin ang kinabukasan ng tennis sa Pilipinas dahil kay teen tennis sensation Alex Eala.

Hinataw ni Eala ang kaniyang ikalawang Grand Slam title nang pagreynahan nito ang girls double title sa French Open kasama si Russian partner Oksana Selekhmeteva.

vuukle comment

ATHLETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with