^

PSN Palaro

99% ng mga pulis sa Bicol, bakunado na

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Umabot na sa 99 por­syento sa 12,879 na kabuuang pwersa o bilang ng Police Regional Office (PRO) 5 ang nabakunahan laban sa COVID-19 matapos ang tatlong araw na “bayanihan-bakunahan” noong nakalipas na Nob­yembre 29 hanggang Disyembre 1.

Sa pahayag ni PRO5 regional director Brig. Gen. Jonnel Estomo, simula nang isagawa ang vaccination rollout sa buong rehiyon hanggang nitong unang araw ng Disyembre ay umabot na lahat sa 12,753 mga pulis kasama ang mga non- uniformed personnel (NUP) ang nabakunahan.

Meron na lamang umanong natitirang 126 pulis ang hindi pa nababakunahan pero dahil sa nagpapatuloy na pagbabakuna ay posibleng lahat ng puwersa ng PNP-Bicol ay maturukan sa susunod na mga araw.

Ayon sa ulat, simula noong isang taon ay umabot sa 926 ang mga kasapi ng PRO5 ang tinamaan ng pandemya, 906 dito ang nakarekober habang dalawa ang nasawi.

vuukle comment

COVID-19

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with