^

PSN Palaro

PBA imports ‘di apektado ng bagong travel restrictions

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maaapektuhan ang mga darating na PBA imports ng bagong health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Naglatag ng mas mahigpit na patakaran ang IATF sa lahat ng foreig­ners na darating sa bansa si­mula ngayong araw dahil sa bagong COVID-19  Omicron variant na natuklasan sa South Africa.

Sa kasalukuyan, t­a­nging 10 imports pa lamang ang dumating sa bansa.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pa sina Justin Brownlee ng Barangay Ginebra at Tony Bishop ng Meralco.

Ngunit tiniyak ni PBA commissioner Willie Marcial na makakapasok ng bansa ang dalawa dahil nabigyan ito ng 9-A Visa at special permit ng Department of Foreign Affairs.

Nakatakda sanang dumating si Brownlee noong Nobyembre 25 subalit naatras ito dahil sa pagkumpleto ng mga requirements.

Ito rin ang naging dahilan ng pagkakaantala ng pagdating ni Bishop na natanggap lamang ang kanyang visa noong Nob­yembre 29.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with