^

PSN Palaro

Paat nasa Thailand na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa Thailand na si opposite hitter Mylene Paat para makasama ang Nakhon Ratchasima sa training camp nito para sa nakatakdang pagsisimula ng 2021-2022 Women’s Volleyball Thailand League sa Disyembre.

Masaya si Paat sa mainit na pagtanggap ng Nakhon Ratchasima sa kanya kung saan sinalubong ito ng ilang team officials at ipinaghanda ng welcome dinner.

Kaya naman hindi maitago ni Paat ang excitement nito.

“I’m so blessed to meet you all,” ani Paat.

Kailangan ni Paat na mabilis na makaagapay sa sistema ng Nakhon Ratchasima dahil mapapalaban agad ang kanilang tropa sa Disyembre 8.

Magtutuos agad ang 2020 runner-up Nakhon Ratchasima at reigning champion Diamond Food sa naturang petsa sa MCC Hall sa Bangkok.

Hindi naman na mahihirapan pa si Paat dahil nasa kundisyon ito lalo pa’t galing ito sa kampanya sa katatapos na Champions League sa Lipa, Batangas.

Tinulungan ni Paat ang Chery Tiggo na masungkit ang runner-up finish sa Champions League na pinagreynahan ng F2 Logistics.

Umaasa si Paat na madadala nito ang magandang momento sa Thailand upang makatulong sa kampanya ng Nakhon Ratchasima.

Masaya rin si Paat na makakasama nito sa team si Thailand national team veteran setter Nootsara Thomkom na beterano na sa iba’t ibang international tournaments.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with