Yap sesentro muna sa buhay-pulitika
MANILA, Philippines — Nagsumite ng pansamantalang leave of absence si James Yap sa Rain or Shine management upang pagtuunan ng pansin ang pangangampanya sa darating na eleksiyon.
Nagpasa ng certificate of candidacy si Yap noong Oktubre 5 kung saan tatakbo itong councilor sa first district ng San Juan City.
Suportado ng Elaso Painters management ang naging desisyon ni Yap.
“We would like him to concentrate and focus on his campaign. Our team recognizes the need for him to touch base with his constituents,” ani Rain or Shine PBA Governor Mamerto Mondragon.
Malaki naman ang pasasalamat ni Yap sa suportang ibinigay ng Elasto Painters.
“Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa aking ROS family - sa owners, management, coaches, teammates at iba ko pang mga kasamahan,” ani Yap.
Dahil dito, hindi masisilayan sa aksyon si Yap sa second conference ng PBA na magtatampok ng imports.
Nagpasalamat din ito sa PBA gayundin sa kanyang mga supporters.
“Sa PBA at sa Board of Governors sa paghintulot sa aking temporary leave of absence sa darating na conference. Maraming salamat sa inyong pag-unawa at suporta,” ani Yap.
- Latest