Paul gumawa ng record sa panalo ng Suns
Kontra Pelicans
PHOENIX - Kumolekta si veteran guard Chris Paul ng 18 assists, 14 points at 7 rebounds para pamunuan ang Suns sa 112-100 pagsunog sa New Orleans Pelicans.
Ang 36-anyos na si Paul ang No. 3 ngayon sa NBA history sa kanyang 10,346 career assists matapos ungusan sina Mark Jackson at Steve Nash.
Pinaganda ng Phoenix ang kanilang record sa 3-3 at inihulog ang New Orleans sa 1-7 marka.
Umiskor si Mikal Bridges ng 22 points para pamunuan ang Suns habang may 18 at 17 markers sina big men JaVale McGee at Frank Kaminsky para saluhin ang trabaho ni injured forward Deandre Ayton (right leg contusion).
Sa Los Angeles, humugot si LeBron James ng 14 sa kanyang 30 points sa fourth quarter sa 119-117 pag-eskapo ng Lakers (5-3) sa Houston Rockets (1-6).
May tig-27 points sina Anthony Davis at Russell Westbrook para sa ikatlong sunod na pananalasa ng Lakers.
Sa Detroit, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 28 points, 9 assists, 8 rebounds at 4 blocks sa 117-89 pagdomina ng nagdedepensang Milwaukee Bucks (4-4) sa Pistons (1-6).
Sa Salt Lake City, humataw si Donovan Mitchell ng season-high 36 points at may season-best 30 markers si Mike Conley sa 119-113 paggupo ng Utah Jazz (6-1) sa Sacramento Kings (3-4).
Sa Dallas, nagtala si Tyler Herro ng 25 points para igiya ang Miami Heat (6-1) sa 125-110 pagdaig sa Mavericks (4-3) at dumiretso sa kanilang pang-limang sunod na ratsada.
- Latest