^

PSN Palaro

Valdez pinaiyak ni Big Brother

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Valdez pinaiyak ni Big Brother
Alyssa Valdez
STAR/File

MANILA, Philippines — Naging emosyonal si Alyssa Valdez sa isang episode ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Alam ng lahat na matapang si Valdez sa loob ng court lalo na sa tuwing may laban ito kasama ang Creamline Cool Sma­shers o ang kanyang dating koponan na Ateneo de Manila University sa UAAP.

Subalit hindi napigilan ni Valdez na maging emosyonal matapos makatanggap ng sulat mula sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Dear Aly, anak Ly alam kong hindi madali ang pinasok mo ngayon. Hindi rin namin alam kung ok ka ba sa Bahay ni Kuya. Pero alam naming kayang kaya mo yan,” ani Valdez na pinipigilang mapaiyak habang binabasa ang sulat.

Galing ito sa kanyang ina na pangunahing tagasuporta ng volleyball player.

Nangako ang pamil­ya nito na mananatiling na­kaalalay sa lahat ng magi­ging desisyon ni Alyssa sa buhay.

Nagpadala rin ang nanay nito ng larawan ng kanilang bahay na resulta ng pagsisikap ni Valdez sa mundo ng volleyball.

“Nandito lang kami nina tatay, kuya at Ian para laging sumuporta sayo. Ipinadala ko sayo ang la­rawang ito na sumisimbolo sa iyong katatagan at kababaan ng iyon kalooban, kadakilaan ng iyong puso at pagmamahal,” pagpapatuloy pa ni Valdez.

Hindi na napigilan pa ni Valdez na maluha habang binabasa nito ang maramdaming mensahe ng kanyang magulang.

Nagpasalamat ang pamilya nito sa lahat ng tulong at suportang ibinigay ni Valdez upang maging maginhawa ang kanilang buhay mula sa pagiging simple noon hanggang sa magkaroon ng magarbong tahanan.

Isa ang Cool Sma­shers team captain sa 12 housemates na kasaluku­yang nasa Bahay ni Kuya.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with