^

PSN Palaro

TNT vs Magnolia sa Philippine Cup finale

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT vs Magnolia sa Philippine Cup finale
Humanap ng butas si RR Pogoy ng TNT laban kay SMB Moala Tautuaa sa Game 7 ng PBA semis series.
STAR/File

MANILA, Philippines — Itinakda ng TNT Tropang Giga ang kanilang best-of-seven championship showdown ng Magnolia.

Sinibak ng Tropang Giga ang San Miguel Beer­men, 97-79, sa Game Seven ng kanilang semifinals duel para kunin ang ikalawang tiket sa Finals ng 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Humataw si RR Pogoy ng 27 markers kasama ang apat na triples para sa TNT habang nagtala si rookie guard Mikey Williams ng 20 points, 8 rebounds at 6 assists para ikamada ang kanilang title series ng Magnolia.

“We’re just fortunate to be back in the finals. But I told them also that the job is half done,” sabi ni coach Chot Reyes. “While we’re happy to win we know that there’s a huge, huge mountain to climb.”

Tinapos ng TNT sa 4-3 ang best-of-se­ven semis wars nila ng SMB sa mu­ling pagpasok sa Finals ng All-Filipino tournament matapos mabigo sa Ginebra Gin Kings noong 2020 sa Clark bubble.

Nagtala si Troy Rosario ng 12 points at 12 rebounds  habang may 11 markers, 10 boards, 2 blocks at 2 steals si Kelly Williams para sa Tropang Giga na naiwanan sa first period, 15-23, bago kunin ang 21-point lead, 92-71, sa huling 2:37 minuto ng fourth quarter.

“Sa totoo lang kung mahirap kalaban iyong San Miguel (sa semifinals), siguro sa finals mas mahirap labanan ang Magnolia,” wika ni Pogoy.

Kumolekta si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 22 points, 16 boards at 3 assists para panguna­han ang San Miguel habang may 15 at 11 markers sina Chris Ross at CJ Perez, ayon sa pagkakasunod.

“We are the underdog. We have to have a good rest para makapag-prepare ang legs and minds namin,” ani Hotshots mentor Chito Victolero sa kanilang pagsagupa sa Tropang Giga sa PBA Finals na magsisimula sa Miyerkules.

vuukle comment

MAGNOLIA

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with