^

PSN Palaro

Jimuel nakasama sa training si Canelo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Jimuel nakasama sa training si Canelo
Tinuturuan ng ilang tips ni world No. 1 pound-for-pound Canelo Alvarez si Jimuel Pacquiao.
Photo@Jimuel Pacquiao facebook

MANILA, Philippines — Tila desidido na si Jimuel Pacquiao na ituon ang sarili nito sa professional boxing para masundan ang yapak ng kanyang amang si eight-division world champion Manny Pacquiao.

Nasa pukpukang ensayo si Jimuel sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

Nakasama pa nito si world’s No. 1 pound-for-pound Canelo Alvarez, sa isang training session kasama si Eddy Reynoso.

Nakatanggap si Jimuel ng ilang tips kay Alvarez partikular na ang ilang teknik na ginagamit nito sa kanyang mga laban.

Masaya si Jimuel na bukod kay Manny, nakakakuha pa ito ng ibang tips mula sa ibang boksingero gaya ni Alvarez.

Si Manny ang numero unong tumututok kay Jimuel sa laban nito katuwang ang mga coaching staff nito.

Subalit abala pa si Manny sa Pilipinas dahil naghahanda ito sa kanyang kampanya para sa Presidential Election sa susunod na taon.

Kaya naman minabuti ni Jimuel na manatili sa Amerika para mas lalong mahasa ang kanyang bo­xing skills.

Regular naman ang pag-uusap ng mag-ama sa social media upang mabantayan ang mga aktibidad ni Jimuel.

vuukle comment

JIMUEL PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with