^

PSN Palaro

Lakers nasilaw msa Suns

Pilipino Star Ngayon
Lakers nasilaw msa Suns
Chris Paul
AFP

LOS ANGELES, Philippines  - Sinayang ng Phoenix Suns ang itinayong double-digit lead sa first half bago nakabalik sa porma para igupo ang Lakers, 123-94, sa kanilang NBA preseason game kahapon.

Kumolekta si point guard ng 15 point at 5 assists para banderahan ang ikalawang panalo ng Suns sa tatlong laro kasabay ng pagpapalasap sa Lakers ng ikaapat na sunod na kamalasan nito.

Humataw ang Phoenix ng 37 points sa third period at nilimitahan ang Los Angeles sa 20 markers para muling makapagtala ng malaking bentahe sa fourth quarter.

Nagdagdag si Landry Shamet ng 13 points habang may tig-12 markers sina Jalen Smith at JaVale McGee para sa Suns.

Binanderahan ni Anthony Davis ang Lakers sa kanyang 19 points, 6 assists, 3 rebounds at 3 steals at may 17 markers si Carmelo Anthony mula sa bench.

Sa Milwaukee, umiskor si Jordan Nwora ng 15 points at may tig-14 mar­kers sina Khris Middleton at Elijah Bryant sa 130-110 pagsuwag ng nagdedepensang Bucks sa Oklahoma City Thunder.

Ito ang unang panalo ng Bucks sa tatlong laro at may 0-2 marka ang Thunder.

Sa iba pang laro, nilusutan ng Chicago Bulls ang Cleveland Cavaliers, 102-101; at tinakasan ng San Antonio Spurs ang Orlando Magic, 101-100.

vuukle comment

JORDAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with