^

PSN Palaro

Choco Mucho umabante sa battle-for-5th place

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pinagbigyan ng Choco Mucho ang mga bagito nitong katropa nang kunin ang 22-25, 25-17, 25-19, 25-17 panalo laban sa Rebisco sa classification round ng 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship kahapon sa Terminal 21 Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Dahil sa panalo, Makakaharap ng Choco Mucho ang Zhetysu-Kazakhstan para sa battle-for-fifth place match na lalaruin ngayong araw sa final round ng classification phase sa alas-12:30 ng hapon (ala-1:30 ng hapon sa Maynila).

Matikas ang koneksiyon ni playmaker Deanna Wong sa mga spikers nito upang makagawa ng solidong plays partikular na kina Filipino-American outside hitters Kalei Mau at MJ Philips gayundin kina opposite spiker Mylene Paat at middle blocker Riri Meneses.

Bumira si Mau ng 20 puntos tampok ang 19 attacks habang kumana naman si Philips ng 13 hits para sa Choco Mucho.

Naglista pa si Paat ng 11 markers kabilang ang tatlong aces samantalang may 10 puntos si Meneses kasama ang apat na blocks.

Nagkasya sa ikapitong puwesto ang Rebisco.

Gayunpaman, magandang exposure ito para sa Pinay Spikers partikular na sa mga bagitong pla­yers upang magkaroon ng malalim na karanasan sa international play.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with