^

PSN Palaro

Pinoy athletes masaya na tuloy ang Hanoi SEAG

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy athletes masaya na tuloy ang Hanoi SEAG
Bambol Tolentino
STAR / File

MANILA, Philippines — Masaya ang ilang mi­yembro ng national team dahil hindi mawawalan ng saysay ang pagsasanay nito para sa 31st Southeast Asian Games.

Ito ay matapos mapaulat na itutuloy ng Vietnam ang pagdaraos ng Hanoi SEA Games sa susunod na taon.

Inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag ang Vietnam SEA Games Organizing Committee anumang araw ngayong linggo para pormal na isiwalat ang desisyon nito.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino, target ganapin ang Hanoi SEA Games sa Mayo upang hindi masagasaan ang iba pang multi-sporting events na nakalinya sa 2022 gaya ng Asian Games sa Hanzhou, China.

Dahil dito, nagdiwang ang mga Pinoy athletes na magtatangkang depensahan ang overall championship crown na napanalunan nito noong 2019 edisyon  na ginanap sa Pilipinas.

Matatandaang humakot ang Team Philippines ng 149 ginto, 117 pilak at 121 tanso para masungkit ang ikalawang overall title ng bansa sa biennial meet.

Una noong 2005 SEA Games na ginanap din sa Maynila.

Ngunit hindi magiging madali ang tatahaking daan ng Pinoy athletes dahil desidido ang host Vietnam na maibalik sa kanilang teritoryo ang pangkalahatang kampeonato.

Sa katunayan, puma­ngalawa ang Vietnam sa medal tally noong 2019 bitbit ang 98 ginto, 85 pilak at 105 tanso. Nariyan pa ang perennial title contender Thailand na magpaparada ng malaking bilang ng delegasyon sa Vietnam SEAG.

Subalit mataas ang mo­ral ng Team Philippines na galing sa matagumpay na kampanya sa Tokyo Olympics kung saan naibulsa ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa Olympics. 

vuukle comment

POC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with