^

PSN Palaro

Choco Mucho yuko sa Thai squad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi nakaporma ang Choco Mucho  nang umani ito ng 11-25, 26-28, 17-25 desisyon sa Nakhon Ratchasima-Thailand sa pagsisimula ng 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship kahapon sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Bagsak sa 0-1 baraha ang Choco Mucho habang nangunguna ang Nakhon Ratchasima-Thailand tangan ang 1-0 marka sa Pool A.

Pumalag ng bahagya ang Pinay Spikers na makahirit ng isang set matapos pahirapan ang Thai squad sa second set.

Ngunit lumutang ang malalim na karanasan ng Nakhon Ratchasima na siyang naging matibay na sandalan nito para pigilan ang pagtatangka ng Choco Mucho.

Samantala, hindi pa nabibigyan ng clearance para makalaro ang apat na miyembro ng national team dahil sa safety health protocols.

Dahil dito, bahagyang nagkaroon ng rigodon sa lineup ng Choco Mucho at Rebisco.

Inilipat sa Rebisco sina Majoy Baron at Kim Kianna Dy.  

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with