^

PSN Palaro

Isa na lang sa Hotshots

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Isa na lang sa Hotshots
Paul Lee
Photo from PBA.ph

SMBEER puro na rin sa semis

MANILA, Philippines — May isang puntos lamang si Paul Lee sa first half dahil sa masamang fieldgoal shooting.

Ngunit sa fourth quarter ay kumamada ang combo guard ng 13 sa kanyang 20 points para akayin ang No. 3 Magnolia sa 81-70 paggupo sa No. 6 Rain or Shine sa Game One ng kanilang quarterfinals series sa 2021 PBA Phi­lippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Hawak ang 1-0 lead sa best-of-three duel, maaari nang walisin ng Hotshots ang Elasto Painters sa kanilang panalo sa Game Two papasok sa best-of-seven semifinals.

“Pinaghandaan talaga namin itong game. We worked on our execution on both ends of the floor that’s why we kept on g­rinding,” ani Magnolia coach Chito Victolero na nakahugot kay Ian Sangalang ng 19 markers at 13 rebounds.

Nag-ambag sina Jio Jalalon at Rome dela Rosa ng tig-10 points habang may 8 markers at 13 boards si Calvin Abueva.

Binanderahan ni rookie Santi Santillan ang Rain or Shine sa kanyang 17 points at 12 rebounds at may 16 at 11 markers sina Rey Nambatac at Javee Mocon, ayon sa pagkakasunod.

Nakadikit ang Elasto Painters sa 64-69 mula sa jumper ni Santillan sa 6:22 minuto ng fourth quarter bago nagsalpak si Lee ng isang three-point shot at dalawang free throws para sa 79-70 abante ng Hotshots sa nalalabing 44 segundo.

Sa ikalawang laro, isinalpak ni veteran guard Alex Cabagnot ang isang krusyal na fadeaway shot sa natitirang 1.5 segundo para sa 88-87 eskapo ng No. 4 San Miguel laban sa No. 5 NorthPort.

“Iyong kumpiyansa ko galing talaga kay coach (Leo Austria) at sa mga coaches,” ani Cabagnot. “Sinuklian ko lang iyong trust ni coach sa akin.”

Nauna nang kumonekta ng triple si Robert Bolick para sa 87-86 bentahe ng Batang Pier.

vuukle comment

PAUL LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with