^

PSN Palaro

Pacio world champion pa rin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagumpay na naipagtanggol ni Pinoy fighter Joshua Pacio ang kanyang ONE Strawweight World Championship belt matapos ma-knockout si Japanese Yosuke Saruta sa first round sa ONE: Revolution na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.

Matagal-tagal ding nabakante si Pacio matapos tamaan ng coronavirus disease noong Marso.

Subalit hindi nakitaan ng pangangalawang si Pacio nang ilatag nito ang kanyang buong puwersa para mabilis na mapataob ang Japanese fighter.

Isang solidong suntok ang tumama kay Saruta dahilan para mapatumba ito.

Hindi na pinakawalan pa ni Pacio ang Japanese bet nang paliguan niya ito ng suntok upang ipatigil na ng referee ang laban may 1:12 pang nalalabi sa first round.

Masaya si Pacio na nakabalik ito sa matikas na porma sa kabila ng 20 buwan na pagkakatengga.

“I’ve been out for one year and eight months and it’s been hard. But I’m ready and I’m here to stay as champion,” ani Pacio.

Tinapos ni Pacio ang tinaguriang trilogy nito kay Saruta tangan ang 2-1 rekord.

Unang nagharap sina Pacio at Saruta noong E­nero ng 2019 nang manalo ang Japanese bet sa ONE: Eternal Glory.

Nakabawi si Pacio nang manaig ito noong Abril ng parehong taon sa ONE: Roots of Honor bago mu­ling makuha ang panalo ngayong 2021.

Umangat ang rekord ni Pacio sa 20-3 habang bag­sak sa  21-10-3 win-loss-draw si Saruta.

Sa kabilang banda, wagi rin si Lito Adiwang kontra naman kay Chinese Hexigetu via unanimous decision.

Gumanda ang marka ni Adiwang sa 13-3 rekord samantalang nahulog si Hexigetu sa 9-5 win-loss card.

 

vuukle comment

ONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with