^

PSN Palaro

3 torneo paghahandaan ni Biado sa 2022

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
3 torneo paghahandaan ni Biado sa 2022
Carlo Biado
STAR / File

MANILA, Philippines — Matapos pagharian ang katatapos lamang na US 9-Ball Open Championship ay tatlong torneo ang paghahandaan ni Pinoy billiards champion Carlo Biado sa susunod na taon.

Ito ay ang 2022 Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Marso 10-20 sa Thailand, ang World Games sa Hulyo 15-17 sa Birmingham, Alabama at ang Southeast Asian Games sa Vietnam.

“Hindi ako puwedeng tumigil sa paglalaro kasi kailangan mag-eensayo ka rin, kaya nandito ako nga­yon sa America,” ani Biado kahapon sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Sumargo ang 37-an­yos na cue master ng gold medal sa doubles at singles event ng 2015 at 2017 SEA Games, ayon sa pagkakasunod.

Nagwagi rin ang dating caddie sa Villamor Air Base golf course ng gold sa World Games noong 2017 sa Wroc?aw, Poland at bronze noong 2017 AIMAG sa Ashgabat, Turkmenistan.

Isang come-from-behind 13-8 win ang kinuha ni Biado laban kay Aloysius Yapp ng Singapore sa final round para wakasan ang 27-taong pagkauhaw ng Pinas sa US Open 9-Ball crown noong Linggo sa Atlantic City, USA.

“Itong US Open na ito ay pangarap ko talagang makuha ito, matagal ko nang inaasam ito,” ani Biado. “Nanalo ako sa World Games at tsaka sa World Pool Championships nanalo ako, pero ito iyong pinakagustung-gusto kong mapanalunan.”

Ang idol niyang si billiards legend  Efren Reyes ang huling naghari sa nasabing torneo noong 1994.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with