^

PSN Palaro

Yulo idedepensa ang korona sa FIG World Championships

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idedepensa ni Tokyo Olympics campaigner Caloy Yulo ang kanyang korona sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa susunod na buwan sa Kitakyushu, Japan.

Noong 2019 ay inangkin ng national gymnast ang gold medal sa men’s floor exercise ng nasabing torneo na idinaos sa Stuttgart, Germany na nagbigay-daan sa pagkakasama niya sa Tokyo Games.

Kasalukuyan nang nag-eensayo ang 21-anyos na batang Maynila sa ilalim ni Japanese coach Munehiro Kugimiya para sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships na nakatakda sa Oktubre 18-24.

Nauna nang itinakda ang world championships sa Copenhagen, Denmark bago umatras ang host country noong Hulyo ng nakaraang taon.

Matapos ang apat na buwan ay inihayag ng international gymnastics federation (FIG) ang pagtatalaga sa Kitakyushu, Japan bilang punung-abala.

Minalas si Yulo na makakuha ng medalya sa nakaraang Tokyo Olympics noong Hulyo.

Bukod sa paborito niyang floor exercise ay hinahasa rin ni Yulo ang kanyang talento sa vault kung saan siya tumapos sa fourth place sa Tokyo Games.

Isa si Yulo sa 18 pang Pinoy athletes na lumahok sa Tokyo Olympics na nagtampok sa pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas.

May dalawang silver naman sina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam at may bronze si Eumir Felix Marcial.

vuukle comment

CALOY YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with