^

PSN Palaro

Pacquiao No. 3 sa WBC, IBF at WBA rating

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao No. 3 sa WBC, IBF at WBA rating
Manny Pacquiao
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi pa rin nawawala ang ningning sa pangalan ni eight division world champion Manny Pacquiao.

Base sa inilabas na ra­ting ng World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Association (WBA), nananatili ito sa Top 3 ng listahan.

Pasok sa ikatlong puwesto si Pacquiao sa WBC rating sa likod nina American boxers Shawn Porter at Vergil Ortiz Jr.

Sa IBF, hawak din ni Pacquiao ang ikatlong puwesto kung saan na­ngunguna si Kudratillo Abdukakhov ng Usbekistan at pumapangalawa si Porter.

Si Errol Spence ang kampeon sa WBC at IBF.

Okupado rin ni Pacquiao ang No. 3 sa WBA class.

Hawak ni Eimantas Stanionis ng Lithuania ang No. 1 habang ikalawa si Ortiz.

Namamayagpag sa WBA si Yordenis Ugas na galing sa unaimous decision win laban kay Pacquiao noong Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Bukod-tanging sa World Boxing Organization (WBO) list wala ang pa­ngalan ng Pinoy champion.

Nauna nang inilabas ng Ring Magazine ang rating nito kung saan nakalista si Pacquiao sa ikalimang puwesto.

Wala pang desisyon si Pacquiao kung itutuloy nito ang kanyang farewell fight sa susunod na taon ngunit nauna na nitong inihayag ang interes sa isang rematch kay Ugas.

Abala si Pacquiao sa kanyang political career kung saan maugong na tatakbo itong pangulo sa National Election sa susunod na taon.

vuukle comment

IBF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with