^

PSN Palaro

6 PVL teams interesado sa Champions League

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na teams mula Premier Volleyball League (PVL) ang interesadong lumahok sa Champions League na target ganapin sa Nobyembre sa isang bubble setup.

Dumalo sa manager’s meeting ang mga kinatawan ng reigning PVL Open Conference champion Chery Tiggo, Cignal, Black Mamba-Army, Sta. Lucia, Petro Gazz at F2 Logistics.

Maliban sa anim na PVL teams, nagpahayag din ng interes ang mga koponan mula sa Baguio at Iligan.

Inilatag na rin ang tentative date na Nobyembre 13 hanggang 19 para sa women’s division at Nob­yembre 20 hanggang 26 sa men’s class.

Wala pang napagkasunduang venue na pagdarausan.

Kabilang sa mga kandidato ang Ilocos Norte, Subic at Pampanga.

Subalit nadagdag sa listahan ang mga pasilidad sa Batangas at Tagaytay.

Base sa deadline ng Champions League organizers, hanggang Oktubre 20 lamang maaaring magsumite ng lineup.

Hanggang 20 players ang maaaring ilagay sa lineup ng isang team.

Walong teams muna ang target sa unang edisyon ng Champions League.

Hahatiin ang walong koponan sa dalawang grupo na maglalaro sa round-robin format para madetermina ang ranking sa quarterfinal knockout round.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with