^

PSN Palaro

Turning Japanese

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Parami nang parami ang mga Pinoy or Fil-Ams na pumupunta sa Japan para doon maglaro.

At mukhang madadagdagan pa.

Gaya ni Dwight Ramos na part ng Gilas Pilipinas at halos kasado na para maglaro sa Ateneo sa UAAP.

Ang sabi pa nga ng iba, pwede na niya skip ang UAAP at diretso na sa PBA. Hinog na ang laro para sa PBA.

Pero lumabas ang balita na pumirma na pala siya sa Toyama ng Japan B.League.

Sa isang kisap ng kanyang mata, goodbye UAAP pero ‘wag naman sana goodbye Gilas.

Pang-walo na siya na de-kalibreng Pinoy na pumir­ma sa Japan B.League.

Nauna si Thirdy Ravena at ang magkapatid na Gomez de Liaño na Juan at Javi, Kemark Cariño, Kiefer Ravena, Bobby Ray Parks at Kobe Paras.

Hindi siguro nila matanggihan ang offer ng Japanese teams.

Ang sabi nga eh mahina ang doble o triple ng kaya nilang sahurin sa PBA. Eh yung mga bata naman, pumupunta sa Japan dahil nga nakatengga ang collegiate leagues sa bansa gaya ng UAAP at NCAA dahil sa pandemic.

Hindi mo rin sila masisi.

Ang nakakatakot lang ay baka madagdagan pa sila. Kumbaga, imbes na magpa-draft sa PBA after college ay sa Japan sila dumiretso.

Hindi malayo yan.

vuukle comment

DWIGHT RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with