^

PSN Palaro

Philippine para athletes humihingi ng suporta sa private sector

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang mga national para athletes na makakakuha sila ng suporta mula sa pribadong sektor para sa kanilang programa kagaya sa nakukuha ng mga regular na national athletes.

Ito ang kahilingan ni national para swimming coach Tony Ong na gumabay kina tankers Ernie Gawilan at Gary Bejino sa nakaraang Tokyo Paralympic Games.

“Hopefully, unti-unting pumasok ang mga private sectors para makatulong naman sa aming training programs,” wika ni Ong sa virtual session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

“Iyon siguro ang malaking magiging factor ng tagumpay ng Philippine sports,” dagdag nito.

Nabigo sina Gawilan at Bejino kasama si wheelchair racer Jerrold Mangliwan na makamit ang kauna-unahang Paralympic gold medal ng Pinas sa kanilang kampanya sa Tokyo.

Nagpasalamat si Ong sa solidong suporta ng Philip- pine Sports Commission (PSC) sa national paralympic squad na nalagasan ng tatlong atleta sa Tokyo Paralympics matapos magpositibo sa COVID-19.

vuukle comment

ATHLETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with