Isa-isa lang, mahina ang kalaban — Hidilyn
MANILA, Philippines — Kagaya ng kanyang ginagawang preparasyon, isa-isang torneo muna ang lalahukan ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz bago isipin ang pagsabak sa quadrennial event sa Paris, France sa 2024.
Ayon sa 30-anyos na national weightlifter, tututukan muna niya ang paglahok sa World Championships, Southeast Asian Games at Asian Games bago isipin ang pagsabak sa 2023 Paris Olympics.
“Dapat one at a time lang eh,” ani Diaz. “First, world championship, titingnan ko, this year. November to December po iyon eh. Then SEA Games kung matutuloy din, then Asian Games. Then iyon, assess ulit.”
Nakatakda ang weightlifting world championships sa darating na Nobyembre sa Lima, Peru, ang 2022 SEA Games sa Hulyo sa Hanoi, Vietnam at ang Asian Games sa Setyembre sa Hangzhou, China.
Binuhat ng tubong Zamboanga City ang mga gold medal sa Asian Games sa Indonesia noong 2018 at sa SEA Games na pinamahalaan ng Pilipinas noong 2019.
Inamin ng four-time Olympian na mahirap ang pinagdadaanan niya sa bawat pagsabak sa Olympics.
“Siyempre, additional three years of sacrifices din po iyon sa training. Medyo mahirap kasi ‘yung preparation,” wika ni Diaz.
Idinagdag ni Diaz na wala pa siyang pinal na desisyon kung muling pupuntirya ng Olympic gold sa 2024 Paris Games.
- Latest