^

PSN Palaro

Team Phl gagawa na ng game plan para sa Paris Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Team Phl gagawa na ng game plan para sa Paris Games
PSC chairman William “Butch” Ramirez
STAR/ File

MANILA, Philippines — Maagang magpaplano ang Team Philippines para sa Paris Olympics na idaraos tatlong taon mula ngayon.

Magsasanib-puwersa ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) upang makabuo ng solidong game plan para sa Paris Games.

Kabilang sa mga target ng dalawang sports agencies ang pagpapalawak sa sports science method na gagamitin para lalong palakasin ang mga Pinoy athletes.

Gagayahin ang mo­delong ginamit sa training ni weighlifter Hidilyn Diaz na siyang nakasungkit ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa katatapos na Tokyo Olympics.

Subalit mangangaila­ngan ng malaking pondo para matustusan ito.

Kaya naman handa ang PSC at POC na gumawa ng lahat ng paraan para matugunan ang pa­ngangailangan ng mga Pinoy athletes.

Nais ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na masundan ang matikas na kampanya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics kung saan umani ang Team Philippines ng isang ginto, dalawang pilak at isang tanso.

Galing ang iba pang medalya sa boxing — dalawang pilak kina Nesthy Petecio at Carlo Paalam habang ang tanso ay mula kay Eumir Felix Marcial.

Sinisimulan nang maki­pag-ugnayan ng PSC at POC sa National Olympic Committee ng iba’t ibang bansa.

vuukle comment

POC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with