^

PSN Palaro

Gobert may pasalubong kay Clarkson

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gobert may pasalubong kay Clarkson
Rudy Gobert
AFP

MANILA, Philippines — May pasalubong si Rudy Gobert sa katropa nitong si Filipino-American Jordan Clarkson sa oras na muling magkita ang dalawa sa training camp ng Utah Jazz sa Amerika.

Isang Team Philippines pin na memorabilya ang ibibigay ni Gobert kay Clarkson na magsisilbing magandang alaala sa magandang kampanya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Humingi si Gobert ng pin sa isang miyembro ng Team Philippines upang ibigay kay Clarkson.

Naganap ito sa Athletes Village kung saan nakasa­lamuha ni Gobert si sports psychologist Marcus Manalo na bahagi ng boxing team ng Association of Boxing Alliances in the Philippines.

Kasama ni Gobert sina Evan Fournier at Nicolas Batum.

Bahagi sina Gobert, Fournier at Batum ng men’s basketball team ng France na nakasungkit ng pilak na medalya sa Tokyo Olympics.

Magka-teammate sina Gobert at Clarkson sa Utah Jazz.

Habang nag-uusap, napansin ni Gobert na bahagi si Manalo ng Team Philippines.

Kaya naman humingi ang NBA star ng pin kay Manalo para ibigay sa teammate nitong si Clarkson sa oras na muli itong bumalik sa Amerika para sa training camp ng Jazz.

Agad naman na tumugon si Manalo na nagbigay ng Team PHL pin na may logo ng Olympic Games at flag ng Pilipinas.

vuukle comment

RUDY GOBERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with