^

PSN Palaro

Nesthy nag-sori sa pilak

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Humble talaga...

MANILA, Philippines — Nakasungkit ng pilak na medalya si Nesthy Petecio sa women’s featherweight division ng Tokyo Olympics.

Malaking karangalan ito para sa isang atleta.

Gayunpaman, mapagpakumbabang nag-sorry si Petecio dahil pilak lamang ang nakayanan nito.

Sa katunayan, maraming boxing analysts ang naniniwala na si Petecio ang karapat-dapat na gawaran ng gintong medalya dahil sa mas agresibong ipinamalas nito laban kay Sena Irie ng Japan sa finals.

Subalit hindi pumanig ang kapalaran kay Petecio dahilan para magkasya lamang ito sa pilak.

“Pasensya na po kayo, silver lang nakayanan ko. Ginawa ko po lahat kanina sa taas ng ring,” ani Petecio sa kanyang social media account.

Si Petecio ang kauna-unahang Pinay boxer na nakasungkit ng medalya sa Olympics.

Kaya naman malaki ang pasasalamat nito sa lahat ng sumuporta at tumulong sa kanya upang maabot ang inaasam na tagumpay.

Nangako rin ito na babalik ng mas malakas sa 2024 Olympic Games sa Paris, France para makumpleto ang “unfinished business” nito — ang makuha ang gintong medalya.

“Salamat po ng marami sa dasal at supporta niyo. Higit sa lahat sa diyos! At safe kami pareho ng kalaban ko. Babalik po tayo na malakas,” ani Petecio.

Sa ngayon, nais muna ni Petecio na namnamin ang tagumpay nito suot ang pilak na medalya.

Sabik nang bumalik sa Pilipinas si Petecio para makasama ang kanyang pamilya.

“Miss ko na ang sinigang at tuyo,” ani Petecio.

vuukle comment

TOKYO OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with