Weakness ni Spence alam na ni Roach
MANILA, Philippines — Nakikita na ni Hall of Famer Freddie Roach ang kahinaan ni reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.
Matapos ang puspusang panonood sa mga nakalipas na laban, natuklasan ni Roach na maabilis mapagod si Spence sa mga huling bahagi ng laban.
Kaya naman asahan na ang eksplosibong game plan na bubuuin ni Roach para kay eight-division world champion Manny Pacquiao sa laban nito kay Spence sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.
“There’s a couple of guys I worry about, because they’re younger, they’re stronger and have very difficult styles. But Spence, I do like because he’s flat-footed, he’s heavy on his feet and he gets tired in the later rounds,” pahayag ni Roach.
Nauna nang inihayag ni Roach ang ilan sa mga game plan nito kabilang na ang fast start.
Kilala si Pacquiao sa mga maagang naglulunsad ng atake dahil mabagsik ang kamao nito at nagtataglay ng mabilis na footwork.
Kaya’t asahan ang kaliwa’t kanang kumbinasyon mula sa Pinoy champion sa oras na magsimulang tumunog ang bell.
“We can’t stay in the pocket. Get off your combinations and you’re going to get right out the way because he’s going to hit you back’. He does have good power. There is a couple fights out there we could fight, but Manny wants to fight the best guys out there,” ani Roach.
Puspusan na ang paghahanda ni Pacquiao sa Wold Card Gym sa Hollywood para sa laban nito kay Spence.
Sumailalim sa sparring sessions si Pacquiao habang regular din ang running sessions nito upang masiguro na nasa tamang kundisyon ang kanyang katawan bago sumalang sa bakbakan.
- Latest