Team USA umusad sa q’finals
SAITAMA, Japan — Humataw si Jayson Tatum ng 27 points kasunod ang 23 markers ni Kevin Durant sa 119-84 paggiba ng Team USA kontra sa Czech Republic patungo sa Tokyo Olympics knockout phase kamakalawa ng gabi.
Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng mga Americans para umabante sa quarterfinals.
Nanggaling ang nagdedepensang kampeon sa 120-66 pagmasaker sa Iran noong nakaraang Miyerkules para makabangon sa naunang 76-83 kabiguan sa France sa una nilang laro.
Tumapos ang Team USA sa second spot sa ilalim ng France sa Group A patungo sa quarterfinals na magsisimula bukas..
Sa kanyang 19 Olympics games ay umiskor si Durant ng 354 points para ungusan ang 336 points na itinala ni Carmelo Anthony sa apat niyang Olympics.
“It’s basketball at the end of the day,” wika ng Brooklyn Nets superstar.
Hangad ng Team USA ang kanilang pang-apat na sunod na Olympic gold medal.
- Latest